In loving memory of

Rosemarie Ambayec Mose

  • January 12, 1966
  • April 25, 2020
Scroll down  

Her life

Born 1966

Ipinanganak noong 1966 sa baranggay ng San Vicente - San Pedro - Laguna, si Rose o Ruth ay isang tahimik ngunit matalinong bata. Nag aral siya ng elementarya sa San Vicente Elementary School (na noo'y pinapaligiran ng mga palayan at bukirin) hanggang sa taong 1977.

Wala pang maayos na kalsada noon, isang daang pinatag na lupa lamang kung saan parito't paroon ang mga kabayo at kalesa. Hilig nilang magkakapatid na gumawa ng mga manikang papel, simple pa lamang ang buhay noon sa munting bayan ng San Pedro.

1977 - Early Childhood

Sa murang edad ay napilitan si Ruth na maghanap buhay na agad para makatulong sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid. Sila'y nagtitinda at nagrarasyon ng Sampaguita garlands kung saan saan, sa Landayan, sa Quiapo, at sa Manila International Airport. Magkakasama silang magkakapatid na lumuluwas para mag banat ng buto. Si Ruth ay lumaki sa isang maralitang pamilya, ngunit punong puno ng mga pangarap ang magkakapatid na makaahon sa kahirapan.

1986 - Teenage Life

Si Ruth ay nagtrabaho sa noo'y sikat na pagawaan ng Tsinelas sa lungsod ng San Pedro (Viva Footwear), at paminsan-minsan ay nakakapag outing sa mga beach at falls kasama ang mga kaibigan at pamilya. Siya rin ay isang deboto ng simbahang katoliko, kadalasan ay nag dadasal sa mga simbahan kasama ang mga madre sa maraming okasyon.

1994 - Mariage

Taong 1994 noong pinag-isang biyak sina Ruth at Ben (Reynaldo Mose)

1995 - Her Sons

Noong 1995 ay ipinanganak ang kanyang panganay na si Jeffrey Mose, at pagkatapos ng dalawang taon ay sumunod ang kanyang bunso na si Joshua Mose. Naging masipag at mapagmahal na asawa si Rosemarie. Isang mabait na nanay. Tinuruan niya ang kanyang mga anak na magbasa sa murang edad. Siya'y naging ilaw ng tahanan. Hatid sundo ang dalawa niyang anak sa eskwela habang naghahanap buhay bilang isang magsasampaguita.

2020 - Her Final Years

Sa kasamaang palad ay lubos na nakaapekto sa kalusugan ni Ruth ang kanyang sakit sa puso. Namuhay siya ng may pananampalata sa Panginoon at tanging sa Panginoon lamang humugot ng lakas para lumaban at magpatuloy sa buhay gaano man kahirap. Nag bigay siya ng pag-asa sa mga anak niya. Tumulong sa mga nangangailangan. At naging masayahin at tapat na taga-sunod ni Yahweh El Shaddai. Payapa siyang kinuha ng Panginoon noong April 25, 2020 sa kasagsagan ng pandemya (COVID Pandemic).

Her life's joy

Helping others
Sampaguita garlands
Sewing
Catholic faith
El Shaddai
Cooking adobo
Watching tagalog movies
Helping others
Sampaguita garlands
Sewing
Catholic faith
El Shaddai
Cooking adobo
Watching tagalog movies

Loving memories of Rosemarie

Joshua Ambayec
October 17, 2025

You reminded me of hope. You reminded me of courage. You reminded me of strength. And most of all, you reminded me of love... Read more

Anonymous
October 17, 2025

When all the world goes against you and all hope is nothing but a dream within a dream

she will hold you with an embrace that feels like home. Read more

Anonymous
October 17, 2025

I used to remember kapag binibigyan kita nang bulaklak palagi mong sinasabi "bigas na rin pang kain yan" pero pagtalikod mo kumukuha ka pa nang baso para i-display sa tabi nang higaan mo... Read more

Vandread
October 15, 2025

Today I saw a sampaguita in Dubai. Never thought I'd see one here. This was my mother's bread and butter. Stories started to concoct in my head. "My mother probably sent this to me though she ceased to be in this world... Read more

Lina Ambayec
October 17, 2025

I miss u ruth

When someone becomes a memory, the memory becomes a treasure.

Moments to Remember

Photo & Video Gallery

Powered by lovingmemory.site